Our Lady Of Peace
Ang pagbisita sa isang sagradong lugar kasama ang iyong pamilya na may pananampalataya ay nagbibigay ng kagalakan. Itong sagaradong lugar sa Caramoan ay isang perpektong lugar upang makita kung ano ang kayang ibigay nito mula sa pinakamataas na bundok, ang Mt. Caglago. Isang kapansin-pansing tanawin ang naghihintay sayo sa tuktok.

Magandang pumunta rito lalo na sa unang pagsikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin. Kailangan mulang maghanda ng tubig na maiinum dahil aakyat kayo ng tataas sa 500 hakbang(tsambang ko lang) papunta sa imahe ng ating Lady of the Most Holy Rosary. May mga tour guides na gagabay sa inyo habang nagkukwento ng kanilang karanasan sa lugar. Mamamangha na lang kayo kung gaano kaganda ang tanawin rito.



